Nakita ko sa lumang baul na ilinathala ko nung isang taon na nakalipas. Hindi ko nai-post:
"Sa Bus Pauwi...
Alas saes na ng hapon nang pinili ko'ng sumakay ng Bus Route 19 papuntang Hor Al Anz. Malayo ang iikutan sa papunta sa tinitirhan namin ng kapatid at tatay ko. Pero hindi ko na inisip ang mahabang oras at nakakapagud na biyahe pauwi. Inaaliw ko nalng ang sarili ko sa pag-iisip sa mag-iina ko. Magdadalawang taon na ang bunso ko. Makikilala pa kaya ako nun? nangulila ako sa asawa't mga anak ko.
Nakaka-aliw ang creek na dinadaanan ng bus habang binabaybay ang creek road. Eto na yata ang pinaka 'most pictured spot' ng Dubai.
Mga material na bagay; papuntang Bur Dubai, makikita mo mga naka-display na mga computers, Laptops, CCTVs, Restaurants, magagandang babae, iba-ibang lahi at kung ano ano pa. Sa haba ng biyahe at congested na traffic, makakabuo ka ng pangarap kung di ka mababagot o masusuka sa sangsang ng amoy ng mga tao sa loob ng bus. Minsan, masarap makipag-patayan sa loob sa bigat ng mga problema mo araw-araw sa Dubai at pagkamuhi mo sa amoy nila.
Consuelo ko: Mga bagay na natatandaan ko sa bahay; mga katabing pinoy na nakakakwentuhan. May mga kanya-kanyang istorya ang mga pinoy dito. At madalas ay napupulutan mo ng aral. Pagpasok ng Shindaga, hindi pa tapos ang hassle. Nakaka-stress ang traffic. Dalawang oras mahigit ang biyahe galing Karama papuntang Al Muteena. - (July 2007)"
Sa ngayon, lumipat na kami ng Karama. Lumipat na rin ako ng trabaho sa Deira side ng Dubai. History repeats itself pero medyo relaks na "on the way home".
No comments:
Post a Comment